Parak, Utas sa Riding-In-Tandem; Suspek, Arestado

BINAWIAN NG buhay habang ginagamot sa Sta Maria District Hospital ang isang pulis, matapos mapa-engkwentro sa riding-in-tandem sa Brgy. Poblacion, Pandi, Bulacan kagabi habang sugatan din ang isa sa mga suspek.

Sa ulat na ipinadala ni P/Chief Inspector Bengco, kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nasawing biktima na si PO2 Shane Michael Cruz, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Pandi Police Station, habang ang suspek naman ay nakilalang si Francisco Collado Y Marquez, nasa hustong gulang; habang tinutugis pa ang kasama nito.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga pulis, dakong alas-9 ng gabi nang mapa-engkwentro si PO2 Cruz sa mga suspek lulan ng tricycle, kung saan bigla na lamang itong pinaputukan. Masuwerte namang napadaan ang off duty at papauwi na rin ng bahay na si PO2 Tito Morales na nakatalaga naman sa Balagtas Police Station na gumanti ng putok sa mga papatakas na suspek.

Sa inisyal na impormasyon, dating nang nakulong ang suspek sa Pandi Municipal Jail sa kasong Theft kung saan nakapagpiyansa lamang ito kaya nakalaya.

Nabatid naman na nagsasagawa ng pagpapatrolya ng tropa ng Sta. Maria Police Station malapit sa lugar nang maispatan ng mga ito ang rumaragasang tricycle sakay ang sugatang suspek, samantala dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang malagutan ng hininga ang pulis.

Nakuha mula sa suspek ang isang  calibre .38 baril na puno pa ng bala. Samantala patuloy namang nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad laban sa tumakas na kasama nito.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.