Parak, todas sa sinitang rider na walang helmet

DAHIL SA pagganap sa tungkulin, isang pulis ang maagang namatay makaraan barilin ng isang hindi nakikilalang suspek matapos na sitahin ng biktima ang huli sanhi ng walang suot na helmet sa Navotas City kamakalawa ng umaga.

Walang buhay na idina-ting sa Tondo General Hospital si PO1 Christopher Estor, 34, may-asawa at nakataga sa mobil patrol ng Navotas PNP.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang alyas “Allam Metalica” na mabilis na tumakas matapos na isagawa ang krimen.

Base sa ulat ng Navotas Police Station, dakong alas-12:10 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente ng pamamaril sa kahabaan ng R-10, North Bay Boulevard North (NBBN) ng nabanggit na lungsod.

Bago umano maganap ang insidente, kasaluku-yang nasa checkpoint ang biktima sa naturang lugar ng pahintuin nito ang suspek dahil walang suot na helmet.

Agad namang huminto ang salarin at nagpakilala pang pulis sabay bunot ng baril at kaagad na pinutukan ang pulis ng dalawang sunod na tinamaan sa puso at gawing itaas na bahagi ng tiyan at pagkatapos ay mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.

Hinabol at pinutukan ng mga kasamahang pulis ang tumatakas na suspek subalit tuluyang nakatakas sa hindi nabatid na direksiyon. (ROMAN MAGPOC) 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.