Parak, Todas sa Ambus

TAMA NG bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang pulis makaraang ambusin ng tatlong hindi nakikilalang lalaki habang ang biktima ay naglalakad sa Malabon City kahapon ng umaga.

Ang biktima na agarang namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo ay si P02 Ronaldo Castro, residente ng Block 17, Lot 11, 2nd St., Tanong ng nabanggit na lungsod at nakatalaga sa RPHAU ng National Capital Regional Police Office.

Base sa ulat ni Malabon City Police Chief Senior Supt. Ferdinand Ampil, bandang alas-7:35 ng umaga nang tambangan at mapatay ang biktima sa Disierto St., Tanong.

Lumalabas sa im-bestigasyon ng pulisya, kasalukuyang naglalakad si PO2 Castro sa nasabing lugar nang lapitan ito ng isa sa tatlong suspek at barilin ng malapitan sa ulo.

Walang buhay na humandusay sa kalsada ang biktima habang ang mga suspek naman ay pawang nagsitakas sa hindi nabatid na direksiyon dala-dala ang ginamit na sandata.

Tinitignan ng Malabon PNP ang angulong love triangle, at pagiging isang abusadong pulis ng biktima at sa naganap na pananampal umano ng nasabing pulis sa isang bata sa kanilang lugar kamakailan.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa rin ang nasabing himpilan ng pulisya upang matukoy ang mga salarin at ang tunay na motibo sa likod ng pagpasalang sa biktimang si Castro.

 (ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.