Parak, Todas, Isa pa Sugatan, sa Banggaan ng Motorsiklo at Jeep

DEAD ON the spot ang isang pulis, habang sugatan din ang backride nitong pulis matapos makipagbanggaan ang kanilang sinasaksayang motorsiklo sa kasalubong na pampasaherong jeep sa kahabaan ng national highway sa Barangay 2, San Fernando, La Union kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasa-wing biktima na  si PO1 Raymund Dagdag, residente ng Barangay Nalvo Sur sa bayan ng Luna, at ang sugatang angkas nito na si PO3 Rollynest Ducusin, 30, residente ng Barangay Bumbuneg sa bayan ng San Gabriel na kapwa kawani ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) ng Police Regional Office-1 (PRO-1).

Base sa inisyal na imbestigasyon ng San Fernando City Police Station, bigla na lamang umanong nagkabanggaan ang magkasalubong na motorsiklong sinasakyan ng mga biktima at ang jeep na minamaneho ni Palmarine Leiza, residente ng Barangay San Vicente sa lungsod.

Agad nasawi si Dagdag dahil sa malakas umano ang pagkakahambalos nito sa bahagi ng jeep at sementadong kalsada.

Samantala patuloy na ginagamot sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa lungsod ng San Fernando si Ducusin na nagtamo ng maraming sugat sa katawan at ngayon ay nasa mabuting kalagayan.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.