PARAK TIKLO SA SHABU AT MGA BARIL

KALABOSO AT PAGKASIBAK sa serbisyo ang posibleng maging hatol sa isang pulis na nahulihan ng matataas na kalibre ng baril sa kanyang bahay matapos ang isinagawang anti-drugs buy-bust operation sa Bayawan City, Negros Oriental.

Kinilala ni Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO) director, Senior Supt. Rey Lyndon Lawas, ang nasakoteng pulis na si PO2 Victorio Moreno Rizaldo, residente ng Pink House Subdivision, Barangay Suba, Bayawan City at nakatalaga sa Bayawan City police station.

Ayon sa report, nagsagawa ng drug buy-bust operation ang Task Force Kasaligan kung saan narekober sa bahay ng pulis ang dalawang sachet ng shabu at P20,000.00 marked money, mga armas na Armalite rifle, AK 2000 rifle, isang 12-gauge shotgun, KG-9 automatic pistol,  .45 caliber  pistol, dalawang .22 caliber  rifles, dalawang granada at mahigit na 200 bala at magazine.

Kabilang sa dinatnan ng Task Force Kasaligan na pinamunuan ni National Bureau of Investigation Senior Agent 3 Miguel Dungog at dinala sa himpilan ng pulisya ay sina Florante Bayabado Taburada, alyas “Tatang” at Bayawan City Police auxiliary Renwil Cadungog, na hawak-hawak pa ang isang mataas na kalibre ng baril.

Sa pahayag ng miyembro ng Task Force, hindi nila inaasahan na mayroong matataas na kalibreng baril sa bahay ng pulis, samantalang ang pitong miyembro ng Task Force na lumusob ay armado lamang ng maiiksing baril.

Sa pagsisiyasat ng Task Force Kasaligan nabatid na si Rizaldo, ay sangkot sa pagpapakalat ng iligal na droga, at alam umano ng kanyang mga kasamahan ang kanyang gawain subali’t hindi man lamang gumagawa ng hakbang upang ito ay arestuhin.  SAMION TUAZON


Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.