Parak sa CamNorte, Nagpatiwakal

TINUTUTUKAN NG mga kinauukulan sa lalawigan ng Camarines Norte ang anggulong suicide sa pagkamatay ng isa nilang kasamahang pulis.

Ito’y matapos matagpuang naliligo sa sariling dugo ang biktimang si PO1 Luis Bisino ng bayan ng Daet, at nakadestino sa San Vicente PNP dahil sa tama ng bala mula sa kanyang kalibre .45.

Ayon sa ilang kasamahan ni Bisino, ilang araw ng hindi mapakali at balisa ang biktima at posibleng may mga pinagdadaanang problema.

Samantala, hindi rin umano inaalis ng PNP ang teoryang aksidenteng nahulog lamang ang baril nito at hindi inaasahang sa pagpulot ng biktima ay pumutok ito.

Hindi na tumagos pa ang bala sa kaliwang bahagi ng tiyan ni Bisino na dahilan ng pagkasawi nito sa pagamutan.

Ayaw namang magbigay pa ng pahayag ang pamilya ng biktima habang hinihintay na ang resulta ng ballistic examination para sa ikalulutas ng kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.