Parak, Pisak sa Trak

HINDI UMABOT nang buhay sa pagamutan ang isang pulis matapos na ma-hit and run ng isang matuling trailer truck ang sinasakayng  motorsiklo ng biktima sa Navotas City kahapon ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si PO3 Edgardo Fernandez Bugaleon, 43, nakatalaga sa Northern Police District (NPD), at residente ng Block 34, Lot 33, Phase 2, Dagat-Dagatan, Navotas.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Reynaldo Sagua ng Traffic Division ng Navotas Police Station, dakong alas-12:30 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng R-10 Road.

Lumalabas sa imbestigayon ni PO2 Sagua, matuling pinatatakbo ng biktima ang kanyang motorsiklo nang bangain ng matulin ding trailer truck dahilan upang tumilapon ang biktima nang may i-lang metro ang layo.

Durog ang helmet ng pulis, bali ang leeg at sira ang motorsiklo ng biktima habang ang driver ng nasabing trailer truck ay mabilis na tumakas at hindi naplakahan dahil sobra ang dilim sa lugar ng pinangyarihan ng insidente.

Dinala ang naturang pulis sa Tondo Memorial Medical Center subalit idineklara itong dead-on- arrival ng mga manggagamot ng nasabing ospital.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.