Parak, patay sa trailer truck

PATAY ANG isang pulis matapos bundulin at magulungan ng trailer truck ang dalang motorsiklo ng una sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo si SPO1 Enrique Matawaran, 47 ng Caloocan City Police at residente ng Perfecto St., Tondo, Manila .

Pinaghahanap naman si Hilario Pandayhag, driver ng trailer truck (TDQ-990) na pag-aari ng Drive and Carry Movers Inc.

Sa ulat, alas-9:15 ng umaga, papatawid ang biktima dala ang Yamaha Mio sa Rizal Avenue Ext., kanto ng 4th Avenue ng lungsod nang bundulin ni Pandayhag.

Pumailalim at nagulu-ngan pa ang biktima na naging dahilan ng kamatayan, habang tumakas naman si Pandayhag.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.