Parak, patay sa motorsiklo

LA UNION – DEAD on the spot ang isang pulis matapos itong maaksidente sa kanyang minamanehong motorsiklo sa Brgy. Blas, Bangar, La Union.

Nakilala ang biktima na si PO2 Bernardo Tubon ng Bangar Municipal Police Station, at residente ng Brgy. Lapug, Magsingal, Ilocos Sur.

Ayon sa ulat mula sa naturang himpilan ng pulisya, matulin umano ang pagpapatakbo ng biktima at nawalan ito ng kontrol sa kanyang sasakyan kaya ito natumba.

Dahil dito, nabagok ang ulo ng pulis nang humampas ito sa semento na naging sanhi sa agaran nitong pagkamatay.

Nabatid rin ng mga awtoridad na walang suot na helmet ang nasabing biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.