Parak, Niratrat sa Mosque

PATAY ANG isang pulis sa isa na namang insidente ng pamamaril na nangyari sa Barangay Lower Calarian, Zamboanga City.

Kinilala ang nasawi na si SPO1 Jaafar Jambiran na naka-assign sa Zamboanga City Police Station 8.

Nabatid na mag-a-alas-9:00 ng gabi habang nasa isang mosque ang biktima nang ratratin ng mga salarin.

Family feud o rido ang isa sa nakikitang motibo ng kinauukulan sa pamamaril sa biktima.

Samantala, patuloy ang isinasagawang pagsisiyasat sa naturang mga pamamaslang sa pulis.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.