Parak, Nanutok ng Baril sa 2 Menor de Edad

NAGA CITY – Patung-patong na kaso ang posibleng harapin ng isang pulis sa Camarines Sur matapos magpaputok at manutok ng baril sa dalawang menor de edad.

Kinilala ang pulis na si SPO2 Isidro Cucal, residente ng San Vicente, Bato at kasalukuyang nakadestino sa Iriga City PNP.

Ayon sa pahayag ni P/Insp. Van Layos ng PNP Bato, sinabi nito na lango sa alak ang nasabing pulis dahil sa umano’y problema sa misis kung kaya’t napagdiskitahan ang dalawang binatilyong edad 13 at 14 na dumaan lamang mula sa pagtitinda ng fishball.

Laking gulat umano ng dalawang menor de edad sa baril kung kaya’t agad na humingi ng tulong sa mga kinauukulan.

Dito na umano rumesponde ang Bato PNP sa bahay ni Cucal at laking gulat nila nang bigla na lamang itong magpa-putok nang dalawang ulit mula sa kanyang caliber 99 mm pistol.

Mismong ang PNP na ang magdadala sa piskalya ng kasong illegal discharge of firearm laban sa suspek habang hinihintay pa nila ang mga magulang ng dalawang kabataan upang tuluyan nang magsampa ng kasong grave threat.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.