Parak , Nanampal ng Kapwa Parak

NAKATAKDANG SAMPAHAN ng kasong kriminal at administratibo ang isang pulis sa Camarines Sur matapos pagsasampalin ang kapwa nito pulis.

Kinilala ang pulis na si SPO1 Arnel Armendi, kasalukuyang nakadestino sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) bilang intelligence officer.

Pareho umanong nasa videoke bar sa Barangay Evangelista, bayan ng Goa si Armendi at ang biktimang pulis na si PO3 Gerald Albar ng Sagñay PNP, ayon sa imbestigador ng PNP Goa na si SPO2 Noel Malonda.

Napikon umano si Armendi nang tanungin ng bagitong pulis kung nakita nito ang nawawalang cellphone.

Sa tila pagkainsulto, mula sa kabilang kubo ay pinalapit ng suspek si Albar patungo sa kanilang pwesto at dito pinagsasampal ng ilang ulit.

Hindi na gumanti pa ang biktima dahil sa paggalang sa mas mataas ng ranggo ng opisyal.

Patuloy ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan kaugnay sa naturang insidente, kung saan nahaharap si Armendi sa kasong grave slander by deed at mismong ang CSPPO naman ang magsasampa ng grave misconduct laban dito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.