Parak, Nahaharap sa Patung-Patong na Kaso

ISANG MIYEMBRO ng Philippine National Police (PNP) ang nahaharap sa patung-patong na kaso, makaraan umanong walang habas na ipinutok ang kanyang baril sa harap ng maraming tao na naglalamay sa patay matapos umanong matalo sa sugal na pusoy habang lasing sa alak sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Caloocan City Chief of Police Sr. Supt. Jude  Wilson Santos ang inarestong suspek na si SPO2 Merardo Serioso, 43, nakatalaga sa General Services Section Avsegroup PNP at kasaluku-yang naninirahan sa Block 50, Lot 10, Cristina Homes Subd., Novaliches, Quezon City.

Ang mga nagreklamo sa nasabing pulis ay sina Brenda Deus, 27; Angelica Adsuara, 20; Rea May Niño, 18; Christopher Campo, 20; at Aris Bamba, 21 na pawang naninirahan sa Bagong Silang, Caloocan City.

Sa ulat na ipinarating ng Caloocan PNP sa Northern Police District (NPD), bandang alas-2 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa Phase 1, Package 3, Block 38, Lot 16, Brgy. 176, Bagong Silang.

Nakasaad sa ulat ng pulisya, kasalukuyang naglalamay ang mga biktima sa patay sa kanilang lugar nang biglang umanong lasing na tumayo ang nasabing pulis matapos na matalo ito sa pusoy.

Sa puntong ito, kaagad na binunot ng nasabing pulis ang kanyang service firearm, itinutok sa mga tao at walang habas umanong ipinutok na naging dahilan upang magtakbuhan ang mga biktima sa iba’t ibang direksiyon.

Kasunod nito ay malakas na binigkas ng pulis ang mga katagang “’Di ba n’yo ‘ko kilala? Sige babalik at at magpapakilala!” habang pasakay sa kanyang motorsiklo.

Dahil dito nagkaisang sinunggaban ng mga konsernadong residente ang hawak na baril ng suspek na naging dahilan upang magkasugat-sugat ang naturang pulis.

Ang nasabing pulis ay kasalukuyang nakadetine sa nasabing himpilan ng pulisya at nahaharap sa iba’t ibang kaso.       (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.