Parak, Nabiktima ng Akyat-Bahay

NANLULUMONG NAGTU-NGO sa himpilan ng pulis-ya ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) para ireklamo ang ginawang pagnanakaw ng isang miyembro ng akyat-bahay na tumangay ng kanyang malaking halaga ng pera at mahahalagang gamit sa loob ng bahay ng biktima sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si P/Insp. Michael Mendoza, PNP personnel, nakatalaga sa Engineering Office sa Camp Crame at residente ng Cunanan Compound, Gen. Lina St., ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa reklamo ni Mendoza sa tanggapan ng Caloocan City Police, bandang alas-2 ng umaga nang pasukin at pagnakawan siya ng hindi nakikilalang miyembro ng akyat-bahay.

Aniya, kinuha ng suspek ang susi ng kanyang kotse na nakasabit sa loob ng kanyang bahay at saka binuksan ang pintuan ng kanyang Honda Civic sa loob at kinuha ang kanyang bagong biling laptop na nagkakahalaga ng P30,000.

Tinangay rin ng suspek ang kanyang wallet at halagang P20,000 na nakalagay sa ibabaw ng kanyang refrigerator at iba pang mahahalagang kagamitan.

May hinala pa ang nasabing opisyal na matagal nang minamanmanan ng suspek ang kanyang kilos kung kaya’t nagawang pasukin ng suspek ang kanyang bahay habang kasarapan ng kanyang pagtulog.

(ROMAN MAGPOC) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.