Parak na Sangkot sa Pagpatay sa 3 Estudyante sa Pangasinan, Sumuko na

DAGUPAN CITY – SUMUKO na sa Balungao PNP Station ang pulis na sangkot sa pananambang sa apat na high school students sa bayan ng Balungao, Pangasinan na ikinamatay ng tatlo habang isa ang nakaligtas.

Nagtungo sa himpilan ng pulisya kamakailan ang suspek na si SPO2 Loreto Florendo, miyembro ng Police Anti-Crime and Emergency Response (PACER).

Sinamahan si Florendo ng kanyang superior at hepe ng legal affairs office sa kanyang pagsuko, ayon kay C/Insp. Froiland Lopez, acting intelligence division chief ng Pangasinan Provincial Police Office.

Si Florendo ay isa sa apat na suspek na kinasuhan sa Rosales Regional Trial Court bunsod ng pagkakasangkot sa pagkakapatay noong Biyernes sa tatlong menor de edad na sina Paul Brian Villapa, Brian Luna at Mike Sapiil, pawang mga 14-anyos at third year students sa Balungao National High School.

Pauwi na sa kanilang ta-hanan ang apat na kabataan galing sa isang lamay nang barilin sila gamit ang M16 at M14 rifle at isang carbine. Nagawa namang makatakbo ang nakaligtas na si Arjay Sobrevilla.

Naaresto na rin ng Balungao PNP ang tatlong magkakapatid na suspek na sina Eusebio, De Jesus, Jovito De Jesus at Saturnino De Jesus na kasamang bumaril sa mga biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.