Parak na sangkot sa Atimonan rubout, hahatulan na

BUO NA ang rekomendasyon ng PNP-Internal Affairs Service (IAS) sa mga pulis na nahaharap sa kasong administratibo dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa Atimonan rubout incident na ikinamatay ng 13 katao.

Sinabi ni PNP PIO C/Supt. Reuben Theodore Sindac na apat na admin case ang dinidinig laban sa mga akusadong parak, isa rito ang serious irregularities in the performance of duties; grave misconduct; less grave neglect of duty at less grave misconduct.

Ayon kay Sindac, sa apat na admin case, isa rito ay naisumite na sa tanggapan ni PNP Chief Alan Purisima habang ang tatlo ay hindi pa nadesisyunan dahil naka-pending pa ito habang nagpapatuloy pa rin ang hearing ng kaso.

Iginiit ni Sindac na ang nakatakdang aprubahan ng PNP chief ay ang kasong serious irregularity in the performance of duties.

Samantala, nasa 20 mga pulis ang nasa kustodiya ng PNP, 11 ang naka-detain, 7 restricted, 1 awol, 2 exonerated, 1 retired na nakilalang si Insp. Evaristo San Juan, habang ang awol ay si PO2 Al Bhazhar Jailani.

Nagpapatuloy pa rin ang suweldo at benepisyo ng mga naturang pulis na dawit sa Atimonan, Quezon rubout.

Paliwanag pa ni Sindac, ito ay dahil hindi pa napatutunayang guilty ang mga akusadong parak at bahagi aniya ito ng due process.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.