Parak na Nasawi sa Pagsabog sa Taguig, Naiuwi Na

NAIHATID NA sa kanilang bahay sa Brgy. Corrooy, Santol sa La Union ang bangkay ng pulis na isa sa mga nasawi sa pagsabog ng vintage bomb sa Lower Bicutan, Taguig City.

Ayon kay S/Ins. Regino Geneso ng Santol Municipal Police Station, sinabi nito ang pagdating ng bangkay ni PO3 Jose Turalba sa kanilang tahanan at inihatid ito ng kanyang mga kasama-han sa Special Action Force ng National Capital Region Police Office.

Nang makarating ang katawan ng nasawing pulis ay naging emosyunal ang pamilya nito at maging ang mga kapwa nito pulis sa naturang lugar dahil sa kanyang sa sinapit, dagdag pa ni Geneso.

Una rito, namatay sa nasabing insidente si PO3 Turalba at ang kasama nito sa SAF na si PO2 Elizalde Bisaya, habang sugatan naman si PO2 Arnold Mayo na nagtamo ng sugat sa kanyang mukha.

Kabilang din sa mga nasawi sa pagsabog ng vintage bomb ay ang isang Riza Romualdo at si Crisanto Daguio, may-ari ng welding shop, kung saan doon dinala ang bomba.

Samantala, sinasabing nabigo umano ang mga naturang parak na i-detonate ang bombang natagpuan kaya ito sumabog. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.