Parak na Nanapak ng Ginang, Kinasuhan na

MAKALIPAS ANG ilang araw at nagsampa na ng reklamo ang isang ginang na sinapak ng pulis makaraan ang pagtatalo sa pagitan ng una at asawa ng huli dahil sa utang sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong physical injury si SPO2 Rajean Apolinar Mirando, nasa hustong gulang, at nakatalaga sa Valenzuela City Police Admin Holding Area.

Sa pahayag ng biktimang si Sylvia Arellano, 56, ng Sabino St., Marulas ng lungsod, dakong alas-7:30 ng gabi noong Abril 20, 2013. Kinumpronta siya ng asawa ng suspek sa Marulas Public Market ng lungsod dahil sa utang ng una na hindi pa nababayaran sa huli.

Naging mainit ang pagtatalo hanggang sa sumulpot ang suspek at sapakin ang ginang.

Nadala sa ospital ang ginang at nang makalabas ay saka lang nakapagsampa ng kaso laban sa pulis.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.