Parak na Namaril sa Magpinsan, Sumuko na

LUTAS NA ang pamamaril ng isang pulis sa isang magpinsan sa Bacolod City noong nakaraang linggo, kung saan isa ang nasawi at isa ang nasugatan. Ito’y matapos na sumuko ang suspek na si PO3 Kenneth Cerbo ng Binggawan, Iloilo Police Station.

Kinumpirma mismo ng kanyang station commander na si S/Insp. Johnny Tumambing ang pagsuko ni PO3 Cerbo na nakipag-ugnayan kay Bacolod City Police Office Director S/ Supt. Ricardo Dela Paz.

Samantala, nasa kustodiya na ng Iloilo Provincial Police Office (IPPO) ang nasabing pulis matapos sumuko kamakalawa habang hinihintay ang subpoena ng piskalya sa kasong murder at frustrated murder na isinampa laban sa kanya.

Maaalala na walang anumang provocation ay binaril ni PO3 Cerbo ang magpinsan na sina Greggy at Rodolfo Alfonso na bibili sana ng yelo sa tindahan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.