Parak na makakahuli ng tulak, may pabuya

PARA LALONG MABAWASAN ang mga nagbebenta ng iligal na droga, bibigyan ng P2,000 cash incentives ng Navotas City government ang sinumang pulis sa lungsod na makakadakip ng mga drug pushers o sa non-bailable drug offenses.

Samantala, ibibigay naman ang P3,000 bilang operational expenses sa police investigators na makakahuli naman ng drug users sa nasasakupan ng Navotas.

Noong August 12, 2011, nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang Executive Order No. 011 Series of 2011 na nag-aamyenda, nagrerebisa sa Executive Order No. 07-10 sa pagbibigay ng cash gift at sa operational expenses ng Drug Enforcement Unit, para sa

panghuhuli ng mga drug users at pushers sa Navotas City.

Mas mataas keysa sa dati ang incentive cash na makukuha ng mga pulis-Navotas.

Maging ang Regional Maritime Office-National Capital Region na nakabase sa Navotas Fish Port at hindi  na saklaw ng kapangyarihan ng Navotas City government ay kasama rin sa bibigyan ng cash gift, kapag nakahuli sila ng mga drug pushers.

Ayon sa alkalde, mas gaganahang magtrabaho ang kapulisan kung mabibigyan ng kahit kaunting pabuya.

Hangad ni Tiangco na mas bumaba pa ang bilang ng mga kaso ng droga sa Navotas City.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.