Parak na Dinukot ng NPA, Pinalaya na

PINAKAWALAN NA ng New People’s Army (NPA) ang pulis na binihag nito sa Pres. Roxas, Cotabato noong Abril 19.

Dakong alas-6:00 kagabi nang dumating sa Bishop’s Palace sa Barangay Palindong, Kidapawan City si PO3 Maula Ali kasama ang mga pari at local government officials na sumundo sa kanya sa bayan ng Arakan.

Pinangunahan ng religious organization na Sowing the Seeds of Peace, sa tulong ng LGU ang pagpapalaya kay Ali.

Matatandaan na si Ali na nakatalaga sa Arakan Police ay tinangay ng mga NPA matapos harangin ang sinasakyan nitong truck.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.