Parak na Arestado sa Pag-Torture, Isasailalim sa Inquest

ISASAILALIM NA sa inquest proceedings ang naarestong dating policer officer na wanted sa pag-torture sa isang pinaniniwalaang snatcher noong 2010.

Ayon kay PNP spokesman C/Supt. Generoso Cerbo, dadalhin si Binayug sa Manila Regional Trial Court Branch 1, sa sala ni Judge Tita Bughao Aliusag.

Nahaharap sa kasong Anti-Torture Act si Binayug na walang inirekomendang piyansa hinggil sa naturang kaso.

Naniniwala naman ang pamilya na patay na si Darius dahil hanggang ngayon hindi pa nila ito nakikita.

Bago magtanghali kahapon, inilipat ang dating police officer mula sa NCR Intelligence Division patungo sa main office ng Intelligence Division ng PNP sa Kampo Crame.

Sa paglipat nito, nakaposas si Binayug at nakatakip ang mukha habang tumanggi naman itong magbigay ng anumang pahayag hinggil sa pag-aresto sa kaniya.

Hindi naman mabatid ni Cerbo kung sa Kampo Crame ikukulong si Binayug o sa Manila City Jail.

Matapos na maaresto kahapon sa LTO Tayuman, sa Kampo Crame na nagpalipas ng gabi si Binayug, ang pulis-Maynila na nakunan ng video na nagpapahirap sa isang pinaghihinalaang magnanakaw.

Samantala, si Binayug ay dumaan sa kaukulang documentation sa intelligence group sa Kampo Crame gayundin sa ilang medical procedure sa PNP crime lab.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.