Parak, Kulong sa Pagwawala at Panunutok ng Baril

NAKADETINE NA sa kulungan ang isang pulis na inireklamo na nagwala at nambugbog pa ng isang sibilyan sa GenSanville Subdivision, Bula, General Santos City.

Kinilala ni P/Insp Ronnie Pua, deputy station commander ng Bula PNP ang naturang pulis na si PO1 Niño Escaro ng Phase 2, Gensanville.

Inireklamo ang pulis ni Jervin Palate, 25, ng Purok Shariff Mucsin, Lower Baluan nitong lungsod matapos sinipa umano ni Escaro.

Hindi pa nakontento ang pulis dahil tinutukan pa umano ng baril ang biktima.

Nang magresponde ang mga pulis ay kanilang nakita si Escaro na lasing at naging arogante pa sa mga kasamahan.

Samantala, nagsalita pa umano si Escaro na hindi siya natatakot sa implementasyon ng gun ban, bagay na ikinagagalit ng nagrespondeng mga pulis.

Ang inireklamong pulis ang na-assign sa City Intelligence Branch ng General Santos City Police Office.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.