Parak, kritikal sa boga ng kawatan

KRITIKAL PA rin sa Calamba City Medical Center ang isang pulis makaraang mabaril ng tatlong hindi pa nakikilalang mga holdaper matapos rumesponde sa holdapan sa Villa De Calamba, Brgy. Lamesa, Calamba, Laguna.

Batay sa isinumiteng report ni Supt. Leovigildo Manaig, hepe ng pulisya kay OIC Laguna PNP Provincial Director P/SSupt. Fausto Manzanilla, nakilala ang biktimang si SPO4 Virgilio Borrero, kasalukuyang nakatalaga sa Provincial Intelligence Branch, (PIB) Laguna Provincial Police Office (LPPO), kung saan nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan mula sa kalibre 45 at kalibre 9mm na baril.

Samantala, sugatan ding isinugod sa JP Rizal Hospital ang pamilya ng biktimang si Ruel Martinez, 55; maybahay nitong si Dina, 53; at mga anak na sina Lorena, Angela, at isang Florence, pawang residente ng B71,L1, P3, ng nasabing subdivision.

Bandang 8:45 ng gabi, ayon sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, sinasabing lulan sa kanyang minamanehong Isuzu Crosswind si Martinez may plakang VEY-138 kasama ang kanyang pamilya mula sa kabayanan ng tambangan at sundan ng mga suspek lulan naman sa isang motorsiklo.

Nabatid na bago pa lamang aniya paparating sa kanilang tirahan nang harangin ang mga ito ng tatlong suspek na armado ng naturang kalibre ng baril at mabilisang binasag ang salamin ng kanilang sasakyan sabay tutok ng baril kay Martinez at nagawa pang manlaban dahilan para paluin ito ng baril sa kanyang ulo at mukha, kung saan nakatawag pansin ito sa pulis na si Borero na kapit-bahay ng mga ito.

Dito naman agarang rumesponde si Borero sa lugar na habang papalapit ay pinaulanan agad ito ng bala ng papatakas na mga suspek tangay ang mamahaling kagamitan, at alahas ng mga biktima kabilang ang hindi pa mabatid na halaga ng salapi patungo ng hindi pa mabatid na lugar.

Magkakahiwalay na isi-nugod ng mga residente sa lugar ang biktimang si Borero at Martinez kabilang ang kanyang pamilya na nagtamo rin ng mga sugat sa kanilang katawan mula sa bubog ng mga salamin.       (E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.