Parak, Kalaboso sa Panunutok ng Baril

ARESTADO NG Manila Police ang isang kabaro matapos umanong manutok ng baril sa kanto ng Rizal Avenue at Teodoro Street sa Tondo, Maynila.

Kinilala ng Manila Police ang salarin na si PO2 Reggie Mirando, na naka-destino sa Valenzuela City Police.

Lumalabas sa pagsisiyasat na tinutukan ng baril ni Mirando ang isang gasoline boy dahil nagkamali ang huli sa paglalagay ng krudo sa sasakyan nito.

Sa halip na regular gasoline ay diesel umano ang naikarga ng gasoline boy at dito nagalit at nanutok ng baril ang pulis.

Nakuhanan pa ng CCTV ng gasoline station ang pangyayari.

Samantala, agad namang naaresto ng mga nagpapatrolyang pulis ang suspek.

Sa ngayon, nahaharap sa kasong paglabag sa election gun ban at grave threats ang naturang parak.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.