Parak, Itinuturong Holdaper sa FX

ISANG PULIS na nakatalaga umano sa Pateros-Southern Police District ang sasampahan ng reklamong robbery (hold-up) sa piskalya makaraang kilalanin ng kanyang biktima sa photo gallery ng Manila Police District (MPD) na humoldap sa isang pampasaherong FX taxi, sa bahagi ng Taft Avenue sa Ermita, noong nakaraang linggo.

Itinuro ng biktimang si Lorna Calimag, 47, isang Overseas Filipino Worker (OFW), sa file na may litrato si “PO3 Abraham M.”, SPD-Pateros Police.

Base sa report ni SPO1 James Poso, ng MPD-General Assignment Investigation Section, dakong alas-8:15 ng gabi noong Mayo 6 nang sumakay ng FX Taxi si Calimag sa likurang bahagi ng sasakyan, habang nasa tapat naman nito na nagkunwaring pasahero umano ang salarin at dalawa pang kasamahang holdaper.

Habang binabaybay ang Taft Avenue, Ermita ay bumunot ng patalim ang suspect at nagdeklara ng holdap at nilimas ang kanyang dalang IPhone 4s na nagkakahalaga ng P30,000.00; dalawang silver bracelet na aabot sa halagang P8,000.00; singsing na ginto na may brilyante na nagkakaha-lagang P10,000.00; Polo wrist watch na aabot sa halagang P1,500.00 at cash na P40,000.00, habang nakulimbat din ng dalawang suspek, na kasamahan ng pulis ang iba pang mahalagang gamit ng mga pasahero, saka mabilis na umalis.

Samantala, ipatatawag naman ang alagad ng batas upang pagpaliwanagin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.