Parak, Ipinasisibak

INIREKOMENDA NG Quezon City Prosecutor’s Office na sibakin sa tungkulin ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos na mapatunayang nagkasala sa kasong Falsification, Perjury at paglabag sa R.A. 3019 Sec. 3(B).

Base sa tatlong pahinang desisyon ng Quezon City Prosecutor’s Office, ang  pinasisibak sa serbisyo ay si P/Inspector Lalaine Marty y Sta. Rosa, miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ang nasabing rekomendasyon ay nag-ugat sa iniharap na kasong Falsification, Prejury at paglabag sa R.A. 3019 Sec. 3(b) ng kapwa pulis na si SPO4 Raymundo Layug.

Sa reklamo ni Layug, si Marty umano ay sumumpa sa pamamagitan ng Affidavit of Undertaking noong July 24, 2008 na wala siyang criminal at administrative cases laban sa kanya.

Nakasaad sa counter Affidavit of Undertaking ni Marty, wala siyang kasalanan na perjury at falsification subalit lumalabas na si Marty ay may pending case sa Peoples Law Enforcement Board (PLEB) sa District 1 ng Maynila.

Bukod pa rito, ang nasasakdal ay may nakabinbin pa umanong kasong kriminal sa Manila Presecutor’s Office na isinampa noong taong 2005 at sa tanggapan ng Ombudsman.

(ROMAN MAGPOC) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.