Parak, Inutas Paglabas ng Korte

BINARIL ANG isang pulis matapos itong dumalo sa pagdinig sa kinakaharap na kaso sa Danao City Regional Trial Court sa Brgy. Poblacion, Danao City, Cebu.

Kinilala ang biktima na si SPO2 Roberto Canencia, na nakadestino sa Cebu Provincial Police Office (CPPO) at kasalukuyang floating status dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o may kaugnayan sa illegal drugs.

Napag-alaman na dumalo sa sala ni Danao City RTC Judge Josefa Paderanga ang naturang pulis sa pagdinig sa kanyang kaso ngunit na-postpone ito.

Lumabas na ang biktima sa korte at pauwi na sana nang bigla na lang sumalubong sa kanya ang dalawang hindi nakilalang salarin at saka binaril ang biktima.

Nagtamo ng apat na tama sa dibdib ang biktima dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Una rito, nasangkot sa kaso ang pulis matapos na maaktuhan ito ng mga kinauukulan sa isang pamamahay ng hinihinalang “drug lord” noong nakaraang taon. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.