Parak, Inirereklamo ng mga Kalugar

INIREREKLAMO NG mga concerned ang isang pulis hinggil umano sa pag-hahasik nito ng sindak at takot sa kanyang mga kalugar bunga umano ng sobrang pagiging adik sa ipinagbabawal na droga sa Caloocan City.

Ang inirereklamo umano ay si PO3 Hermil Lumba, nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) at residente ng Abbey Road, Heroes Del 96, Caloocan City.

Base sa reklamo ng kanyang mga kapitbahay, kapag umano bangag ang nasabing pulis sa Shabu ay nagwawala na sa kanilang lugar at nanunutok pa ng baril sa bawat makasalubong.

Dati na umanong nagpositibo sa drug test si Lumba noong ito ay nakatalaga pa sa Caloocan City Police Station. Ang ginawa lamang ng mga kinauukulan ay inilipat sa National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Sa kasalukuyan ay nakatalaga ito sa QCPD at lagi pa rin umanong bangag sa droga.

Hinihiling ng kanyang mga kalugar na i-drug test uli ang nabanggit na pulis at kapag nalamang positibo ito ay sibakin nang tuluyan sa pagiging isang pulis.

Sinabi pa ng kanyang mga kalugar, lubha silang natatakot sa posibleng mangyayari sa kanilang buhay kapag nasa impluwensiya na ng bawal na gamot si Lumba.

(ROMAN MAGPOC) 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.