Parak, Inireklamo ng Pagnanakaw

NAHAHARAP SA kasong robbery ang isang pulis, matapos akusahan ng isang tricycle driver sa pagkuha ng kanyang pera at cellphone sa Quezon City.

Base sa ulat ng QCPD, nahaharap sa reklamong robbery si SPO1 Charles Jallores na naka-assign sa naturang istasyon.

Nag-ugat ang kaso nang magreklamo ang tricyle driver na si Tomas Sonny Suruiz, 48-anyos.

Positibong kinilala ng biktimang tricycle driver si SPO1 Jallores na isa sa tatlong nagnakaw sa kanya noong March 20 sa may harap ng Pasong Tamo Elementary School.

Samantala, ayon sa biktima kinuha ng mga salarin ang kanyang P7,800 na cash, ang kanyang driver’s license at cellphone.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.