Parak, Dedo sa Tulak

NAMATAY NA ang isa sa dalawang pulis na nasugatan sa pakikipagbarilan sa nasa-wing drug pusher sa inilatag na drug bust operation sa Barangay Maliksi 3, Bacoor City, Cavite noong Sabado ng hapon. Kinilala ang biktima na si PO2 Aries Tagle Lachica habang patuloy  na nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isa pang pulis na si PO1 Jorex Cutilban na kapwa nakatalaga sa Cavite provincial intelligence unit na na nakabase sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, Cavite.

Lumalabas sa ulat, sinalakay ng grupo ng  pulisya  ang kuta ng drug pusher na si John Francis Almedra Hernale sa  nasabing barangay.

Samantala, nanlaban at nakipagbarilan si Almendra sa mga operatiba ng pulisya kung saan tinamaan ang dalawang pulis habang nasawi naman ang drug pusher.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.