Parak, Bugbog-Sarado sa Nirespondehang Rambol

MAGSASAMPA NG kaso laban sa mga grupo ng mga kalalakihan ang isang pulis na bugbog-sarado nang rumesponde sa isang grupo na nagrarambulan sa Sagkahan sa lungsod ng Tacloban.

Nilalapatan pa rin ng lunas sa pagamutan ang biktimang si PO1 Carlos Cordero III, 30, residente ng naturang lugar matapos magtamo ng maraming pasa at sugat sa iba’t ibang katawan.

Una rito, madaling-araw habang natutulog si Cordero nang marinig nito ang kanyang pangalan na tinatawag upang magpasaklolo dahil sa nangyayaring rambulan sa harap ng kanyang bahay.

Samantala, agad namang nagbihis ang natu-rang pulis at nang subukan nitong pahintuin ang gulo ay siya ang binalingan ng mga salarin hanggang sa pagtulungang bugbugin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.