Parak, Binugbog ng 3 Lasing

SUGATAN ANG isang pulis matapos bugbugin ng tatlong katao sa Lucena City.

Base sa report ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), kinilala ang biktimang si PO1 Arnel Reyes, 27, at tauhan ng Alabat Municipal Police Station sa lalawigan ng Quezon.

Nagmamaneho umano ang biktima ng kanyang motosrsiklo kasama ang kanyang kasintahan nang biglang batuhin ng bote ng alak sa ulo.

Sa tulong ng mga tricycle driver sa lugar, nagawa nitong sundan ang tumakas na salarin.

Ngunit nang sapitin nito ang lugar ay isa umano sa mga salarin ang sumigaw upang pababain siya sa dalang motorsiklo.

Sa halip na matakot nang magpakilala siyang pulis, sinunggaban pa umano ito ng tatlong kalalakihan na pawang lango sa alak at saka ginawa ang pambubugbog.

Matapos ito’y nagsitakas din ang tatlo na nakuha pang agawin ang service firearm ng biktima.

Samantala, sa pagres-ponde ng pulisya, nahuli ang magkakamag-anak na salarin na sina Ricardo Magnata, Jerry at Joey dela Cruz.

Sa ngayon, nahaharap na sa karampatang kaso ang tatlo na pawang nakakulong sa himpilan ng Lucena City.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.