Parak, Binoga sa Harap ng Misis

PATAY ANG isang pulis matapos barilin sa loob ng computer rental shop sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si PO1 Anthony Frias, na walang awang tinamba-ngan sa harap ng kanyang misis. Tatlong tama ng bala sa ulo ang sanhi ng agarang kamatayan ng nasabing biktima.

Base sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, pumasok sa computer shop ang isang armadong lalaking nakasuot ng sombrero, lumapit kay Frias at saka binaril ang parak.

Tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo na minamaneho ng kasabwat nito.

Sa ngayon, blangko pa ang mga kinauukulan kung ano ang motibo sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.