Parak, Binoga ang Sarili

SUGATAN ANG isang bagitong pulis matapos aksidente nitong mabaril ang sarili sa Tuguegarao City.

Nakilala ang biktima na si PO1 Edmund Lagundi, 31, residente ng Brgy. Camasi, Peñablanca, Cagayan na kasalukuyang nakatalaga sa Ilagan Safety Company ng PNP Ilagan, Isabela.

Base sa pagsisiyasat ni SPO1 Florentino Daquioag, pauwi ang biktima mula sa isang binyag sa Brgy. Carig, Tuguegarao City lulan ng motorsiklo na minamaneho ng isang Dexter Lagundi nang mangyari ang aksidente.

Aksidente umanong nakalabit ng parak ang gatilyo ng kanyang service firearm na .45 caliber pistol nang ililipat sana niya ito sa kanyang harapan dahil nahuhulog ito sa kanyang likod kung saan nakasukbit.

Tinamaan ang binti ng biktima kung kaya’t itinakbo na sa isang pribadong ospital kung saan siya kasalukuyang nagpapagaling. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.