Parak at 2 Pa, Tiklo sa Raid; PDEA Officer, Sugatan

MAGKASUNOD NA buy bust operation ang ginawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12) na nagresulta sa pagkahuli ng isang pulis at dalawang kasamahan nito.

Ayon kay PDEA Director Aileen Luvitos, unang pinosasan si PO2 Villamor Dominggo, Jr. ng PRO-12 at ang nangangalang Midzar Hajirol, 36, ng Barangay West at Admer Abin, 42.

Nakigpagbarilan pa si Hajirol sa dala nitong caliber .45 sa taga-PDEA na ikinasugat ng intelligence officer ng PDEA, sugatan din si Abin na nasa pagamutan nga-yon.

Sinabi ni Luvitos na unang nahuli itong si Dominggo dakong alas-9:00 ng gabi sa Laurel Street sa lunsod at dinala sa harapan ng Mindanao State University High School Department.

Tinatayang umaabot sa 1,00 meters ang distansiya at doon ginawa ang pangalawang buy-bust subalit natunugan ng dalawang suspek kaya’t nagkahabulan hanggang sa pumasok sa compound ng MSU at doon nangyari ang palitan ng putok.

Dumating din sa lugar si City PNP Director Sr Supt Froilan Quidilla para suportahan ang PDEA sa paghuli sa mga suspek.

Nakuha ang isang Suzuki raider at XRM motor, isang MC lV caliber .45 at hindi mabilang na sachet ng Shabu at marked money.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.