Parak, 3 pa huli sa Pot Session

PANDI, BULACAN – APAT katao, kabilang ang isang pulis ang nahaharap nga-yon sa kaso ng pagsisinghot sa ipinagbabawal na droga, makaraang salakayin ng mga otoridad ang isang bahay sa Brgy. Poblacion sa bayang ito kahapon ng hating-gabi.

Sa ulat na tinanggap ni S/Supt. Wendy Rosario, OIC Provincial Director, ng Bulacan PNP, na isinumite sa tanggapan ni P/CSupt. Alan La Madrid Purisima, PNP Regional Director kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Romano del Rosario, 35, tricycle driver; Roberto Hay, 50; at German Santos, 50, kapwa residente ng Brgy. Poblacion at Brgy. Mapulang Lupa, at isang PO2 Lucman Marmaya, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Obando Police Station habang nakatakas naman ang kasama nito na kilala lamang sa alyas na Nardo.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni P/Inspector Berges,at PO2 Hernandez, PO1 Enconado at PO1 Rey, dakong alas-12:15 ng hating-gabi nang makatanggap sila ng impormasyon mula sa mga concern citizen na may nagaganap na pot session sa nabanggit na lugar.

Nabatid na tinangka pang magpalusot ni PO2 Marmaya, na hindi umano siya kasama sa naganap na pot session na ni-raid ng mga pulis sa nabanggit na lugar, makaraang mag-report ito nang maaga sa kanyang opisyal na si P/Chief Inspector Lorenzo Paynor, hepe ng Obando Police Station.

Samantala lingid sa kaalaman ni P02 Marmaya, nauna nang naiparating sa opisyal na kasama ang kanyang tauhan sa nahu-ling raid ng pot session, dahilan upang maaresto ang naturang pulis na dati nang na-dismiss sa pagiging miyembro ng PNP noong 1999 sa kaso rin ng droga.

Nakumpiska mula sa mga nadakip ang hindi pa mabatid na gramo ng Shabu at Shabu paraphernalia.

Kasong paglabag sa Sec.11,13 at 15; Article-ll ng Republic Act 9165 ang kakaharapin ng mga suspek na kasalukuyang nakakulong sa Pandi Municipal Jail.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.