Parak, 1 pa, todas sa rambol

PATAY ANG isang pulis at isa pa nang mabaril makaraang umawat ang una sa rambulan ng huli at mga kaaway sa boundary ng Caloocan City at Manila kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Chinese General Hospital sanhi ng tama ng bala sa ulo si PO3 William Lopez, 38 ng Grace Park ng lungsod at nakatalaga sa Caloocan City Police.

Samantalang namatay sanhi rin ng tama ng bala sa katawan si Raymond Fernandez, nasa hustong gulang ng L. Lupa ng lungsod.

Pinaghahanap naman sina Laurito Reyes, 32 ng Santos Teodoro at alyas ‘JP Laurel’ ng Matang Tubig pawang ng Tondo, Manila.

Sa ulat, alas-7 ng gabi, naglalakad ang pulis sa R. Papa St., Boundary ng Caloocan City at Manila City nang magrambulan ang grupo ni Fernandez at grupo ng mga suspek.

Naipit sa gitna si Lopez na naging dahilan upang magpakilalang pulis at tangkain awatin ang mga nagrarambulan.

Hindi nagpapigil ang mga grupo ng mga suspek at ilang magkakasunod na putok ng baril ang uma-lingawngaw hanggang sa makitang duguan naka-handusay ang mga biktima na naging dahilan upang dalhin sa mga nasabing ospital.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.