Para tumigil ang pangkukulam Bruha, niratrat sa mukha

HINATULAN NG kamatayan ng kanyang mga kapit-bahay ang isang  64-anyos na lola matapos itong akusahan bilang mangkukulam sa Barangay Nagsabaran Norte, Balaoan, La Union.

Nakilala ang biktima na si Rosita Vocarille, residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Sr. Insp. Benjamin Diagan Jr., hepe ng Balaoan Municipal Police Station, natagpuan na lamang ng kanyang mga kaanak na nakahandusay at duguan ang mukha ang biktima sa nasabing bahay.

Maaaring isang shotgun umano ang ginamit ng salarin sa pagpaslang base sa mga nakuha nilang ebidensiya sa pinangyarihan ng krimen.

Ayon kay Diagan, hindi pa umano maliwag ang motibo sa pamamaril sa lola ngunit isa sa kanilang tinitignang anggulo ay ang paghihiganti dahil sa hinala ng ilang mga residente roon na ito ay isa umanong mangkukulam.

Naniniwala naman ang pulisya na maaring nasa loob lang ng nasabing barangay ang suspek na pumaslang sa biktima.      (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.