Para tumaas ang rating ni P-Noy… Sementadong relasyon kay Lacson, tibagin!

USAP-USAPAN NGAYON ANG biglang pagtaas ng satisfaction rating ni Unites States of America President Barack Obama makaraang mapaslang ang numero uno nilang kalaban na si Al Qaeda International Terrorist  Leader Osama Bin Laden noong Mayo 1.

Sinasabing malaki ang naging puntos ni Obama nang ibalita ang pagpilay sa terorismo at isa ito na inaasahang maghahatid muli sa kauna-unahang American –African President na manalo  muli sa 2012 Presidential election.

Dito sa Pilipinas, makaraang bumulusok ng 18% ang satisfaction rating ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, ninanais ngayon ng mga kaalyado nito na makabawi ang lider ng bansa.

Kasunod nito ang pagsisi ng Communications Group sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na may domino effect sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Bukod pa rito ang paninisi ni Pangulong Aquino sa media na sa halip na magandang nagawa ng pamahalaan ang ibalita ay mas interesado raw ang media sa kanyang lovelife at ngayon iminungkahi ni Strategic Planning Secretary Ricky Carandang na magtatag ng isang website kung saan itatala ang mga “good news” at accomplishments ng pamahalaan.

Sinopla naman ito ng ilang kongresista na ayaw magpakilala sa pagsasabing unang ginawa ng mga kaalyado ng Aquino administration ay buwagin ang Office of the Press at ipinakilala ang Communications Group na hati naman sa Balay Group at Samar Group.

Dinagdag pa ang pagbuo ng account ng Pa-ngulo sa Facebook habang pati ang pag-update ng mga balita sa pamamagitan ng Twitter.

Gayunman, walang epekto ang mga ito kaya ilan sa mga personalidad ang nagmungkahi na lamang na tapusin na ng Pangulo ang pakikipagkaibigan kay Senador Panfilo Lacson at kastiguhin ito sa matagal na pagtatago.

Dapat din aniyang ipakita ng Pangulong Aquino na hindi niya kinukunsinti si Lacson na una nang inakusahan na utak sa pagpaslang kay PR Man Salvador “Bubby” Dacer at driver na si Emmanuel Corbito noong November 2010.

Pinaniniwalaang maraming hahanga kay Pangulong Aquino kung magiging patas ang pagtingin niya sa kanyang mga kaalyado at pangaralan ang mga nagkakamali.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.