Para tumaas ang rating ng show: plastik na tv host-actor, pumayag na rin na i-guest ang inaayawang talent manager!

FOR THE sake of ratings, napapayag na rin ang isang TV host-actor na i-guest sa kanilang weekend program ang isang talent manager, bagay na noon pa niya inayawan for some reason.

Kung tutuusin, magandang subject naman ang kanyang panauhin who never runs out of a witty line or two na ikatatawa rin ng mga manonood. Pero kung bakit the TV host-actor had repeatedly refused to have her as guest, none of his staff knew.

Nakailang episodes na ang naturang programa, equivalent to the number of “sablay” ratings. Well, blame the poor, dismal figures on the program’s content. Inconsistent kasi ang laman nito, may magandang segment, meron ding walang kawawaan na dapat lang isisi sa TV host-actor na siya ring nasusunod sa creative aspect nito.

Hay, kung alam lang ng talent manager na pinaplastik lang pala siya ng TV host-actor, he would never see the end of her wrath.  Da who ang plastic na TV host-actor? Itago na lang natin siya sa pangalang Vykel M.

(By Ronnie Carrasco III)

 

 

loading...

6 thoughts on “Para tumaas ang rating ng show: plastik na tv host-actor, pumayag na rin na i-guest ang inaayawang talent manager!

Leave a Reply

Your email address will not be published.