PARA SA TURISMO NG ORMOC: Mayor Richard Gomez, hopeful sa exposure ng bayan sa ‘Three Words to Forever’

Sharon Cuneta, Kathryn Bernardo and Mayor Richard Gomez

MAY ILANG eksena pa na hindi natatapos sa pelikulang Three Words to Forever nina Ormoc City Mayor Richard Gomez, Kathryn Bernardo at Sharon Cuneta.

Last week, bumalik ang cast ng pelikula ni Direk Cathy Garcia-Molina sa Ormoc para kunan ang mga natitirang eksena ng pelikula na naka-schedule na ipalabas next Wednesday, November 28.

Isa reason kung bakit doon isinagawa ang shooting lalo na ang mga mahahalagangng eksena ay sa suggestion na rin ni Mayor Goma para makilala ng manonood ang lunsod na pinamumunuan niya.

Yes, sa kabila ng hectic schedules ni Mayor Goma sa kanyang responsibilidad sa Ormoc at sa kanyang mga constituents, maganda na rin na dun kinunan ang mga mahahahalagang eksena ng pelikula para after working hours as City Mayor, nakakapag-shooting pa rin ang aktor.

Kung sa Manila kasi ang main location ng shooting, malamang ay hindi aabot sa takdang playdate ng pelikula dahil on weekends lang pu-pwede si Mayor Richard makapag-shoot at gawin ang kanyang responsibilidad sa produksyon bilang artista.

At least sa Ormoc at sa mga kalapit tourist spots and destinations ang mga location ang kinunan, mas madali kay Mayor Richard na matapos ang pelikula nila.

Maging si Megastar Sharon, impressed sa lokasyon nila na Lake Danao na pinaganda ng administrasyon ni Mayor Richard na ngayon ay isa sa mga magagandang tourist destinations para sa mga bisita.

‘Three Words to Forever Official Movie Poster

“I hope with this film, makatulong sa tourism ng Ormoc. It will give more jobs sa mga taga-Ormoc. More visitors mean more hotels, more facilities. More work para sa amin dito.

During a shooting sa Lake Danao, nagandahan si Mega at pangako na babalik para magbakasyon at hindi magta-trabaho.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.