Para sa rehabilitasyon; ‘Pinas, Uutang sa ADB at WB

KINUMPIRMA NI Budget Secretary Butch Abad na ipangungutang ng bansa ang pondo para sa rehabilitasyon ng mga sinalanta ng kalamidad.

Base sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, inihayag ng kalihim na nangako na ang World Bank ng $980 milyong pautang.

Ang Asian Development Bank (ADB) naman, magpapahiram na ng $500 milyon bukod pa sa $23 milyong grant.

“’Yung ADB, nangako na siya ng $23 million grant at ‘yung $3 million doon naibigay na pero ‘yung iba, ibibigay pa. At nangako rin sila na next year bibigyan nila tayo ng $500 million very concessional loan, ‘yun next year pa… Ganun din ang World Bank, $980 million very concessional loan,” pahayag ni Abad.

Lumalabas sa kabuuan na aabot anya sa P66 bilyon ang makukuha ng Pilipinas base sa kasalukuyang palitan ng piso.

Tiniyak naman ng kalihim na maluwag ang termino ng dalawang higanteng bangko sa ipahihiram na halaga sa bansa.

Samantala, ang utang aniya sa World Bank ay maaaring bayaran sa loob ng 32 taon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.