Para sa operasyon ni Joseph Bitangcol, Mga kaibigan, nagtulung-tulong para makalikom ng malaking halaga

STABLE NA ANG kundisyon ni Joseph Bitangcol, nakakausap na siya at tapos na ang operasyon sa kanyang daliri. As of presstime, naka-sked na ang kanyang operasyon sa mukha at chin, kung saan lalagyan ito nang titanium plates dahil may mga apektadong buto sa kanyang mukha dahil sa aksidente.

Ang nakakatuwa pa, ang mga kaibigan at kasamahan ni Joseph mula sa ABS-CBN at TV5 ay nagtutulung-tulong upang makalikom ng sapat na halaga para sa kanyang panggastos at pambayad sa ospital.

Sa oras nang pangangailangan natin talaga malalaman kung sino ang ating tunay na kaibigan.

 

HABANG ISINUSULAT NAMIN ito, papunta pa lang kami sa gagawing story confe-rence ng Sa Ngalan Ng Ina, ang mini-serye na pagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor sa TV5.

Pero may idea na kami nang kaunti kung ano nga ba ang istorya ng nasabing mini-serye. Ayon kasi sa Creative Head at Vice President for Entertainment ng TV5 na si Sir Perci Intalan, noong nakausap namin ilang araw na ang nakaraan, patuloy pa rin ni-lang ini-explore ang istorya, sino ang mga makakasama sa final casting at paano tatakbo ang nasabing soap.

“Ang story niya at the end of the day, nag-struggle to prove herself as a mother kasi mayroon siyang mga stepchildren dito,” panimula ni Sir Perci, “and also in a political environment siya, so dahil nga si Ate Guy at si Direk Mario O’Hara, known sila for very socially relevant matter, swak talaga ‘yung tandem. Very rich material na pang-TV, mabigat na mabigat ito. Siguradong matutuwa ang mga tao sa atake sa istorya plus the fact na mini-serye siya, ibig sabihin siksik, lahat ng mangyayari mabilis.”

Ayon naman sa aming obserbasyon, umakma nga sa buhay ni Ate Guy ang istorya dahil nga marami rin siyang anak at halos napapalibutan siya noon nang mga political figures.

Ang mga napapabalitang kasama sa cast ay sina Christopher de Leon, Ryan Agoncillo, Eugene Domingo at Nadine Samonte.

 

SA AUGUST 27 na gaganapin ang La Dulce Diva, ang 50th anniversary concert ng nag-iisang si Miss Dulce sa Music Museum. Kasama sa mga bigating guest ni Dulce sina Jed Madela at Ms Pilita Corrales.

Sa September 3 naman ang first major concert nang Voyz Avenue at ni Prima Diva Billy sa Zirkoh Tomas Morato. Kasama sa kanilang guests sina Wency Cornejo, Ivy Violan at Big Mouth. Kaya bili na kayo  ng  tickets,  mga  kapatid!

 

Twitter: @arnielcserato; Facebook: heavenscents2002@yahoo.com: E-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

5 thoughts on “Para sa operasyon ni Joseph Bitangcol, Mga kaibigan, nagtulung-tulong para makalikom ng malaking halaga

  1. ayos din itong si ai ai, paano mo nalaman walang tumulong sa sinasabi mo na taga GMA…pagtulong ang pinag uusapan dito at hindi ABS vs GMA. kaw anong tulong ang naibigay mo kay joseph?

  2. Yoseph, huhuhuhu.. Sana gumaling ka na.. Crush na crush pa naman kita.. Hihihihi… Uuuuuuuuuuuuuuumwah! You have my prayers…

  3. Basta ABS-CBN stars, magaling tumulong sa kapwa. Hindi katulad ng mga tiga GMA7, marami ang kuripot. Mayroong talent ang GMA7 na hindi ko na i-identify, na nagkasakit ng cancer ang ina. Pumanaw na ito, Nanawagan noon ang actress ng tulong pero kapwa niya mga talents sa GMA7, dedma lang sila. Ang mga artista pa sa ABS-CBN ang tumulong sa pangangailangan ng actress at binigyan ng trabaho ang actress para naman makatulong sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.