Para sa National Artist award
Dolphy, ipinaglalaban din ng gay community!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! OMG! Talagang shock ako sa balitang patay na si Tito Dolphy.

Habang nakikipag-chat ako sa FB sa aking mga friend, nag-message sa akin si Baby Mike, ang aking co-host sa program ko sa Pinoy Radio UK sa London, at kino-confirm sa akin kung totoong patay na ba raw si Tito Dolphy.

Hindi ako mapakali, kasi hapon nanonood ako ng TV, nagsasalita si Epi Quizon, isa sa mga anak ni Dolphy, na okay na raw ang daddy niya, nagyayaya na nga raw, gusto nang umuwi ng bahay. At baka nga raw ilipat na sa private room at alisin na sa ICU.

Kaya akala ko, false alarm na naman ang nasabing balita. Tumawag din sa akin ang taga-DZRH.TV news center na si Cris Capulso at tinatanong din kung totoong patay na si Tito Dolphy. Tamang-tama naman na nanonood ako ng TV, at biglang pinutol ang kasiyahan ng isang show, at sinabi nga ng reporter na nakausap niya si Zsa Zsa Padilla at confirm na patay na nga si Tito Dolphy.

Bigla akong nanghina at pumasok sa kuwarto at binuksan ko ang oxygen. Kasi parehas kami ng sakit ni Dolphy, COPD (Chronic Obstructive Pulmonary Disease). Wala pa itong natutuklasang gamot kaya napakaraming maintenance. At take note, sakit ng mayaman. Kaya kung wala kang datung, talagang hindi magtatagal ang buhay mo. Salamat na lang po at marami naman ang tumutulong sa akin tulad ni Cong. Sonny Escudero, Sen. Antonio Trillanes at Sen. Bong Revilla. Lagi po akong nagre-request ng guaranteed letter, kaya utang na loob  ko ang buhay ko sa tatlong ito, salamat!

Anyway, balikan na natin ang kahit papa’no marami pa rin talaga ang nabigla sa pagkamatay ng Hari ng Komedya na si Dolphy.  At talaga namang masamang-masama ang loob ng gay community, kasi nga naman, nagpahayag si Ms. Cecille Guidote-Alvarez of NCCA (National Commission for Culture and the Arts) na talagang hindi pumasa si Dolphy sa criteria ng National Artist award. Kasi nga, itong si Mr. Nicanor Tiongson ay hindi pabor. Kasi karamihan ng ginawa ni Dolphy na pelikula ay tungkol sa kabaklaan, like Jack ‘En Jill, Facifica Falayfay, Darna Kuno, Markova, at iba pa.

Kaya ito ngayon ang ipinaglalaban ng gay community kay Mr. Tiongson, isa na ako, na basehan lang ba ang karamihan ng mga pelikula ni Dolphy na tungkol sa kabaklaan? Dito lang  talaga ipinakita ni Dolphy na siya ay isang tunay na alagad ng sining na kahit siya ay barako, kaya niyang gampanan ang isang bakla. Na ang ibig kong sabihin, siya ay isang tunay na artista na halos lahat ay kaya niyang gampanan, tulad ng Markova, na hindi lang sa ating bansa nagkamit ng karangalan, kundi maging sa ibang international award ay umani ng pa-puri ang pelikula, na kuwento ng isang comfort gay noong panahon ng Hapon. Huli na, kung bibigyan pa nila ng award si Dolphy. Kung kailan patay na ito, saka sila magkukumahog na ibigay ang naturang award.

Tumawag sa akin ang kabigan kong si Anthony Castello na nag-iimbita na magsama-sama kami sa burol ni Dolphy at igawad ang isang karangalan na noon pa sana naibigay. Kasi nag-guest ito sa aking program sa DZRH.TV, na kung hindi maibigay ng NCCA ang National Artist Award, ang ‘Filipino People’s Artist Award’ ang igagawad dito from Dakilang Lahi Foundation composed of actros, singers, film and TV directors, writers, community leaders, mass-based leaders, etc.

Iaalay ito habang nakaburol si Tito Dolphy.

Mula sa puso ng Gay Society of the Philippines, hangad namin na sana, ‘wag gawing issue ang mga nagawang gay movies ni Dolphy para maging hadlang sa naturang award. Kasi para sa akin, kabaliwan ‘yan, at napakababaw ng utak ng nagsabi n’yan.

Kaloka kayo! Hindi na tayo maka-move on, kasi hanggang ngayon, napakarami  pa  ring  ipokrito. ‘Yun na!

 

BLIND ITEM: OMG! Maloloka ka talaga sa Earth, dahil over my beautiful dead body napaka-hunky talaga nitong, hunk actor na ito may itinatagao palang amoy. Take note, simula taas hanggang baba, mabaho raw ‘yung feet, underarm at hininga. Smells bad daw, nakakaloka naman! Talagang hindi na kinakaya ang amoy.

Sayang, guwapo pa naman siya, tapos may something-something pala na amoy siya. Kaloka naman, ‘te, hindi kaya ng powers ko, type ko pa naman siya.

Clue: ayan ang hunk actor na talagang mukhang yummy hindi pala yummy ang amoy. Ew!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

6 thoughts on “Para sa National Artist award
Dolphy, ipinaglalaban din ng gay community!

  1. PAUMANHIN PO. MADALAS NA SINASABI NA SI DOLPHY AY MABUTING AMA, PERO BAKIT WALANG NAGSASABI NA MABUTI RIN SIYANG ASAWA?!

  2. PUTANGINA MO ANABELLE KA PAPANSIN KA PIMP. KAHIT SA BUROL WALA KA SINASANTO. ANO SINABI MO SA BUROL NG DATING ASSISTANT NA PINATAY NI RICHARD? HINDI KA BUMIBILI NG PATAY. O DI BA KUNDI BA NAMAN BALASUBAS ANG UGALI MO BRUHA KA. SA LAMAY NG ASAWA NI AMALIA HINDI KA IMBITADO PERO SUMUGOD KA DUN AT NAKADAMIT KA PA NG ORANGE. PINAPAALIS KA NG PAMILYA NI AMALIA PERO AYAW MO UMALIS BRUHA NAKIPAG AWAY KA PA DUN GAGA SOBRA KA SA KABASTUSAN. NGAYON LAMAY NI DOLPHY ANO GINAWA MO HABANG KUMAKAIN ANG MGA BISITA? HAHAMPASIN MO NG BASTON NG KAAWAY MO AT HAHABLOT KA NG KUTSILYO. NAKNAKAN KA NG KADEMONYOHAN BRUHA. PWE.

  3. Anabelle Rama, EKSENADORA. ( no breeding, walang pinipiling lugar, umattend ka ng anger management class! ) How dare you to do that to Mang Dolphys wake.

    Boycot na ito.

    • BOYCOTT NA SI RUFFA NG DOS KAHIT ANONG PARINIG AT PAPURI NIYA  SA THE BUZZ,ALA LANG ANG DOS HINDI INTERESADO SA KANYA.SAYANG ANDOON PA NAMAN SI JLC

Leave a Reply

Your email address will not be published.