Para sa mga Bagong Kagamitan: P800-M, Gagastusin ng PAGASA

NAKAHANDANG GUMASTOS ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng P800 milyon ngayong taon sa mga bagong kagamitan para sa mas maasyos na paghahatid ng lagay ng panahon

Sinabi ng PAGASA officer-in-charge Dr. Vicente Malano na kabilang sa mga planong bilhin ang limang mobile radar na nagkakahalaga ng P35 milyon bawat isa.

May isa na anyang available na mobile radar na masusubukan ngayong tag-ulan at ide-deploy sa mga lugar na dadaanan ng bagyo.

Plano rin ng ahensiya na maglagay ng mga CCTV sa mga coastal areas at telemeters para ma-monitor ang lebel ng tubig sa malalawak na ilog.

Samantala, bibili rin ang PAGASA ng rain gauges para ma-monitor ang dalang ulan ng bagyo o sama ng panahon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.