Para sa maayos at mabilis na serbisyo Revised Citizen’s Charter, Inilunsad sa Navotas

INILUNSAD KAMAKAILAN ng pamahalaang lokal ng Navotas City ang Revised Citizen’s Charter, ‘A Guidebook on the Navotas City Government Frontline Services’ upang maibigay ang tapat, mabilis at maayos na serbisyo-publiko sa mamamayan ng nasabing lungsod.

Kasabay ng paglunsad ay ipinakita ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco, ang bukod-tanging pagkakaiba ng Revised Citizen’s Charter kina Directors Elnora Gotiz at Claudia Tan ng Civil Service Commision na ginanap sa ikaapat na palapag ng Pangisdaan Hall, Navotas City Hall Building, kasama ang lahat ng pamunuan ng Local Government Unit (LGU’s).

Isa rin ito sa mga legacy para sa taong 2009 ng da-ting mayor ng Navotas na ngayon ay mambabatas ng lungsod na si Cong. Toby Tiangco, na ngayon ay ipinagpatuloy ng kanyang nakababatang kapatid na si Mayor John Rey Tiangco at bilang suporta na rin sa Republic Act 9845 o Anti-Red Tape Act of 2007.

Ang Revised Citizen’s Charter, ay isa rin sa nagiging dahilan kung bakit napakabilis at maayos ang naibibigay na serbisyo sa mga Navoteño, lalo na sa taxpayers.

Maliban sa Business Permit, City’s Assessor’s Office, na pangalawa sa pinakamabilis ang transaksiyon sa bansa, bukod pa rito ay nakangiti ang bawat empleyado sa lahat ng tanggapan ng Navotas City Hall.

Dahil dito, pinuri ni Dir. Tan, ang pagsisikap ni Mayor Tiangco sa mala-king pagbabago ng lungsod na lalo pang napabuti ang pagbibigay-serbisyo sa mga residente ng lungsod.  (MARY H. SAPICO)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.