Para sa 6 na Floodgate sa Navotas Fishport Dept. of Agriculture, Manghihiram ng P2.6-B

AABOT SA P2.6 bilyon ang halaga ng nakatakdang utangin ng Department of Agriculture para gamitin sa upgrading project ng Fishport o pondohan sa Lungsod ng Navotas.

Ito ang nabatid ng pahayang Pinoy Parazzi sa mga opisyal ng tanggapan ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) kung saan ay hihiramin ng Department of Agriculture (DA) ang nasabing halaga sa Export and Import Bank of China para maisulong ang pagpapatayo ng anim na floodgates sa anim na mga lugar sa loob ng nabanggit na fishport.

Ang layunin ng pagpapatayo ng mga floodgate ay para maharangan ang mataaas na antas ng tubig-dagat na nagdudulot ng matinding pagbaha sa loob ng pondohan ng mga isda sa Navotas.

Ang pagbaha sa loob ng fishport ay paulit-ulit na dulot ng malakas na pag-ulan at high tide kung saan ay hindi kumbinyente sa mga nagnenegosyo ng isda kaya pinagsusumikapan ng DA na mabigyan ng magandang serbisyo ang namamakyaw ng isda.

Itatayo ang naturang floodgates sa Pier 1, Pier 2, Pier 4, Exit, gayundin sa Market 1 at Market 2 sa Barangay NBBS, Navotas City.

Inaasahang matatapos ang nabanggit na proyekto sa loob ng dalawang buwan matapos na isagawa nina Engineer Rolando Barino, chief ng Central Office Facilities and Service Division at Port Engineer Romy Dabu ng PFDA ang dalawang araw na survey kaugnay ng nasabing malaon nang problema ng naturang mga mamamayan at pribadong establisimyento ng lungsod.

(ROMAN MAGPOC) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.