Para raw ‘di masira ang career
Kiko Estrada, pinayuhan ng mga magulang na ‘wag mai-in love

WALA RAW pressure na nararamdaman si Kiko Estrada sa kanyang pagbibida sa teleseryeng Mira Bella at sa pelikulang Chasing Boulevards, dahil 2 years daw niyang pinaghandaan ang pagpasok sa showbiz kung saan one year daw siyang nag-undergo ng acting workshops sa Star Magic.

Pero may isang payo lang daw ang magulang niya sa pagpasok nito sa showbiz, na ‘wag mai-in love at mag-concentrate muna sa career na siya naman niyang sinusunod nito dahil gustung-gusto talaga niyang mapabilang sa mundo ng showbiz.

“Medyo, pero ever since kasi I started acting, prepared ako. Pagsalang ko pa lang sa Tween Hearts, I took one year acting workshop sa Star Magic. And first show ko pa lang ‘yung Tween Hearts, I was nominated for Best New Male TV Personality sa Star Awards for TV, tinalo lang nga ako ni Arjo Atayde na alam ko rin namang mahusay na actor.

“Sana by this movie, ma-nominate din ako, kasi ibang Kiko ang mapapanood nila rito. Baliw na Kiko. Hahaha! Ayoko na pong ikuwento ‘yung iba pang details about the film, mas magandang panoorin na lang nila. Our director is so good even bago lang siya, si Direk Alessandra.”

Anong advice ng ibinigay sa ‘yo ng family mo?

“Don’t fall in love. Hahaha! Actually my mom said, I can do whatever I want, basta I stay focus on my goal and my goal right now is my showbiz career. And my other goal is to win best actor award, not one but a lot.

“My dad say naman I have to stay focus on my career. Kasi ang love nand’yan lang naman ‘yan, but ‘pag pinabayaan daw ang career, mahirap nang bumalik. Kaya I decided not to fall in love muna, mas gusto kong mag-concentrate sa career ko.”

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.