Para pumabor sa impeachment ni CJ Corona Sen. Lito Lapid, ginapang ni Kris Aquino?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no.. oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly!

Maloloka ka talaga sa Earth at kahit ako nawindang din! Dahil nu’ng nakaraang araw ay confirm na confirm na mawawalan na talaga ng show si Vice Ganda, at ‘yun ngang Gandang Gabi Vice ‘yun.

Pero ang nakakalokang eksena, talaga namang mukhang kumapit talaga siya sa dapat kapitan, at dapat ay ‘Pogi’ na ang itawag sa kanya. Kasi wala namang naging maganda sa ugali niya.

Hindi ako galit kay Vice Ganda, pero sa dami ng nagsusumbong sa akin na kakaiba talaga ang ugali niya, hindi ako tumitigil sa pagsusulat sa kanya, para siya mismo ang makabasa at tuluyang mag-iba ang ugali niya.

Mahirap ding mawala si Vice Ganda sa ABS-CBN kahit na puro nega ang pinaggagagawa nito, dahil ito ngayon ang BFF ni Kris Aquino. Balitang kaya hindi tsinugi ang Gandang Gabi Vice, na dapat talagang tsugi na dahil kapalit nga ay ang Sa-rah G Live, naku, ‘te… para lang siguro hindi siya mapahiya. Humirit pa rin daw na dapat ituloy niya ang show niya.

Pero marami rin ang nagsasabing ibahin na lang daw ang title,gawing Poging Gabi Vice, dahil maangas na kasi siya, at marami na ang hindi natutuwa sa kanya. Korak ka d’yan!

 

SPEAKING OF pogi, si Sen. Lito Lapid ay nasa Kapamilya na, at may chikka rin na gagawa ito ng teleserye, at mukhang gagawa rin ng pelikula sa Star Cinema. Balita ring si Kris Aquino ang tumulong sa kanya para makapasok sa ABS-CBN, at ang chikka rin dito ay dahil kailangan ng boto ng senador sa impeachment ni Corona. Sey mo, ‘te?!

Wa ako ma-sey! Kasi parang true nga nu’ng mga nakaraang araw, tinanong si Kris kung sino ang gusto niya kina dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo, dating first lady Imelda Marcos at Sen. Miriam Defensor Santiago, walang kagatul-gatol na sinabi ni Kris na si Miriam. Kailangan daw kasi nila ng boto sa Senado, sabay halakhak nang malutong!

Kahit siguro si Sen. Bongbong Marcos, kung hihingi ng favor kay Kris ba pumasok sa Kapamilya, gagawan at gagawan niya ‘yan ng paraan, kasi nga kailangan nila ng boto sa impeachment. Ang taray!

Sey n’yo mga Kapuso at Kapatid, sino na naman kaya ang mapupunta sa mga ‘yan sa Kapamilya para sa kanilang exposure, dahil nga sa botong ‘yan! Kaloka naman, ‘te!

 

BLIND ITEM: Sino siya? Sino naman kaya itong sikat, ay hindi na pala siya sikat… kasi wala na talagang career itong sexy comedienne na ito na talaga namang mukhang wala na ring dating sa mga imported dahil pakalat-kalat pa rin hanggang ngayon?

Nakakawindang naman! Wala pa ring pagbabago, kaya naman hanggang ganyan na lang ang eksena niya, kung kani-kanino na lang siguro nagpapa-booking para magkadatung! Sey mo?! Keri mo pa ba, ‘te?!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

14 thoughts on “Para pumabor sa impeachment ni CJ Corona Sen. Lito Lapid, ginapang ni Kris Aquino?!

  1. Bakit si Kris Aquino na ba ngayong ang may-ari nang ABS-CBN? sabi nila si Sarah ang nami-mili kung sino ang gusto niyang kasama .wheeeeee baligtad pala mali kayo si Kris Aquino pala ang talagang kumukumpas sa ABS-CBN…!!!!!! pinag-bibintangan si Sarah..iyon pala dina-divert nila ang katotohanan….si Kris Aquino pala ang DIKTADORA….NGAYON PALANG DIKTADORA. NA PAANO NA KAPAG-NAGKAPOSISYON SIYA…NAKU MAG-ESEP-ESEP KAYO…HINDI PARES NIYA ANG DAPAT MAG-KAROON NANG PUWESTO…GUSTO NYO BANG MAGING LEGAL ANG BASTA MANG-AGAW NA LANG NANG ASAWA NANG MAY-ASAWA…KAYA NGA SIYA NAG-KATULO…INAGAW NIYA ANG ISANG TAONG MAY-ASAWA NA PANGALAWANG LALAKING MAY ASAWA ANG INAGAW NIYA ..NAG-KATULO TULOY SIYA…..MADUMING BABAE…KA KRIS AQUINO… at kawawa namang ang isang Sarah G.. na pinag-bibintangan….BAGAY SILANG MAGING MAG-KAIBIGAN NI MARIAN RIVERA PAREHO SILANG PANGIT ANG UGALI…YAKKKKKS NAKAKADIRI KA KRIS AQUINO PAREHO KAYONG NAKAKADIRI NI MARIAN…..YAKKKS

  2. lini,sa tingin mo,sapat ang pera ni mar roxas sa sambayanang pilipino eh milion milion taU etich,at ang malaking tanung,KUNG IKAW SI MAR ROXAS NA MAYAMAN KASI PINAGPAGURAN NG MGA NINUNU MO ANG KUNG ANUNG MAYRON KAU NGAYON,IPAMUMUDMOD MO BA ANG PERA MO SA MGA PINOY NA WALA NANG GINAWA KUNG D ANG TUMAMBAY AT MAGLASING SA SQUATTER AREA?IPAPAMIMIGAY MO BA ANG PERA MO NG BASTA BASTA NA LNG?ALAM MO BA NA ANG TAO AY HINDI NAKUKUNTENTO,THE MORE NA NAKAKAKUHA CLA NG LIBRE DA MORE NA MANGANGAILANGAN CLA,SA MILLIONG TAO SA MANILA ILANG PORSYENTO LANG ANG SURE NA MAY KAHIHINATNAN ANG TULONG NA IBINIGAY MO SA KANILA AND IF BUMAGSAK ANG MGA NEGOSYO MO BECAUSE IPINAMIGAY MO LAHAT NG PERA MO PANU NA ANG MGA TRABAHADOR MO PANU NA ANG POSSIBLE TRABAHADOR NG FUTURE SANA,BUT WLA NAMAN TAUNG MGA PERA NA KATULAD NG SA KANILA,SO LETS CONTINUE TO PESTER THEM TO GIVE UP THRE MONEY AND MAKE MUDMUD SA ATING MGA PULUBI,SA DAMI NG TAO SA PINAS,EVERYONE IS DOING EVERYTHING TO BE MAS ANGAT OR HOW TO ANGAT SA ISA,THE END

  3. ay naku totoo yata yong balitang ang channel 2 hawak ng malaknyang bcoz of kris,,,palaging magaganda ang balita nila tungkol kay p-noy,,kaya ako i dont watch kapamilya kasi bias yang mga yan ..eversince gma7 pinapanood ko kasi i feel na balance cla..lalo na sa news..why not ilabas ang psychology test ni pinoy?? AT SAKA ANG MAR ROXAS NA YAN DI DAPAT UMUPO SA PWESTO,,TINGNAN NYO NA NAMAN ANG PINAGGAGAWA , ITATAAS DAW ANG SINGIL NG TERMINAL FEE (KAWAWA NA NMN ANG OFW) KASI MADAMING GASTUSIN!!! BA’T DI NA LNG NILA KUNIN SA SARILING BULSA NILA ANG GAGASTUSIN? KUNG TOTOONG TAPAT CLA SA SERBISYO ..O KAYA HUMINGI NLNG KAY KRIS AQUINO TUTAL MAYAMAN NMN XA,,O DI BA!!!….PANIG NA AKO KAY CORONA DAHIL SA MGA MALING PINAGGAGAWA NYO……

  4. pag kumandidato c kris kahit na senator lang mag reregister kami dito sa wash.dc para makaboto….tuwid ang bituka para sa bayan

  5. naku itong si Kris, nakikialam at tinatawagan ang mga kaibigang senador to vote for impeachment, siempre para sa Hacienda Luisita, sna huwag makinig itong mga senadors. pleasellllhuwag pakinggan si another pakialamera.

  6. Bitter na bitter itong si Swarding…sa pagkaka-alam ko nagsimula nya siraan si Vice paunlakan ni Vice ang alaga nyang WOnder Gays..kaya ngayon lagi nya sinisiraan! hehehe. Ganyan talaga kapag sikat, kahit pano ay mgiging mayabang! Natural yan, basta wala sya tinatapakan tao ay normal lng yun. Go Vice! Idol pa rin kita…ikaw lang ang taong genius sa pagpapatawa!

  7. balang araw ay makakatagpo rin ng katapat itong si kris… wala kasing pumpatol dahil in the end ay sya pa rin ang panalo !!! naku pleaseeeeeeeeeeee, baka kayo mag-dilang angel na magiging president sya ng pinas. KNOCK ON WOOD !!!! hehehe

  8. parang nagbago na nga si vie kahit sabihin pa nyang nagpapakatotoo lang sya pero sobra yung pagpapakatotoo nya tsk tsk, napapanood ko sya, nayayabangan na rin ako, may ere na sya at akala mo superstar na!

    swarding diba nasa showbusiness ka na for 40 years eh bakit parang baguhan ka pa lang kung magsulat at mag observe sa showbiz? natural na yung ginagawa ni kris aquino, ganyan naman sa showbiz eh , basta may power ka, kaya mong gawin lahat, hindi natin masisisi si kris kung presidential daughter sya at reyna sya sa kapamilya! kaya swarding kung talagang matagal ka na sa showbiz alam mo mga pinaggagagwa ni kris aquino! tonta kang amoy lupa ka!!!

  9. Hindi dapat nakikialam si Kris dahil wala siya sa pwesto ng gobyerno. Hindi ba ganyan ang kaso ngayon ng asawa ni GLoria na si Pareng Mike. Kung maraming kinakaso ke Mike dapat rin na kasuhan si KRIS para patas. Ang hustiya ay dapat pantay-pantay. Wala dapat ni isa sa mga kapatid ni NOY NOY na gumagapang ng me kinalaman sa loob ng gobyerno kagaya ng pagsasampa ng mga kaso, pagmamanipula kung sino ang dapat na ilagay sa pwesto sa malakanyang, etc..etc….. Walang kapamilya o kapuso o kapatid sa usapan na ganito. DAHIL WALANG KARAPATAN SI KRIS NA MAKIALAM O MAGMANIPULA SA GOBYERNO ARTISTA LANG SIYA. Tandaan niya yung pinangako niya noon sa kampanya ni NOY NOY na kung magiging problema siya ke noynoy at yung pangingialam niya ay lalayas siya rito sa pinas at titira sa ibang bansa. Tuparin niya iyon ngayon at wag niyang babawiin. Makakaapekto yan kung me balak siyang tumakbong senator ngayong halalan wala siyang isang salita.

  10. naku wag sana siayng tumakbo ng president nakakatakot nga cyempre iyong mga malalaks sa kanya sigurado pagnaagrabyado siguro tutulungan niya gaya ni vice ni dier ni aiai dingdong marianne at lahat ng kapamilya sa dos wawa naman iyong iba..kta naman ninyo kung bakit?hahahahahahah

  11. hahaha bakit nakakatakot ba? cnasabi dahil anak at kapatid ng pres. pero tingnan nyo nga ang anak ni ramos nag artista din sumikat ba? iba lang tlaga si kris at love namin cya at talagang inaabangan namin ang show niya

  12. kakatakot si kris pag sya ang naging presidente balang araw. Pwedeng maging female dictator ito in the future. Wawa naman kayo dyan sa pinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.